Jacinto Zamora (4 Agosto1835-17 Pebrero1872) Si Jacinto Zamora (Ha·sín·to Za·mó·ra) ay isang Filipinong paring sekular (paring hindi kabilang sa isang orden) na kilalá sa kasaysayan bilang isa sa Gomburza, na daglat para sa pangalan ng tatlong paring Filipino— sina Mariano Gómez, José Burgos, at Jacinto Zamora—na binitay pagkatapos idawit ng pamahalaang kolonyal ng mga Espanyol at mga fraile sa nabigong Pag-aalsa sa Cavite noong 1872. Ang pagkamartir nina Zamora ang higit na nagpaalab sa nasyonalismo ng mga Filipino at humangga sa Himagsikan noong 1896. Isinilang si Zamora noong 14 Agosto 1835 kina Venancio Zamora at Hilaria del Rosario. Nagsimula siyáng nag-aral sa Pandacan, Maynila bago pumasok sa Colegio de San Juan de Letran. Nakamit niya ang Batsilyer sa Batas Canon at Sibil noong 1858 sa Unibersidad ng Santo Tomas. ��� Pinangasiwaan niya ang ilang parokya sa Marikina, Pasig, at Batangas. Noong 20 Enero 1872, humigit-kumulang 200 sundalo at obrero sa imbakan ng sandata sa Cavite ang nag-alsa. Madaliang nasugpo ng mga Espanyol ang pag-aalsa at ginamit itong dahilan upang supilin ang mga Filipinong makabayan at humihingi ng reporma sa pamahalaan. Idinawit ang tatlong paring tinagurian ngayon bilang Gomburza. Tunay nilang pakay si Burgos, na matagal nang pinag-iinitan ng mga Espanyol dahil sa liberal na pananaw, pagsusulong ng sekularisasyon ng kaparian, at pagtatanggol ng karapatan ng mga Filipinong pari. Malapit kay Burgos sina Gomez at Zamora, at magkakasáma ang tatlo sa hangaring mapalaganap ang sekularisasyon. Kahit mahinà ang ebidensiyang mag-uugnay sa tatlo sa Pag-aalsa sa Cavite, hinatulan silá ng kamatayan pagkatapos ng maikli at kahina-hinalang paglilitis. Noong 17 Pebrero 1872, binitay sa pamamagitan ng garote ang tatlong pari sa harap ng publiko sa Bagumbayan (ngayon ay Liwasang Rizal). Sa kasalukuyan, matatagpuan ang isang palatandaan kung saan binitay sina Zamora sa Liwasang Rizal (Luneta), at isang palatandaan kung saan silá inilibing sa Liwasang Paco, pawang sa Lungsod ng Maynila. (PKJ) ed VSA

Nicolas Zamora (10 Setyembre 1875-14 Setyembre 1914) Si Nicolas Zamora ang kauna-unahang Filipino na naging ministrong protestante at naging tagapagtatag at pastor ng Knox Memorial Church noong 1903. Isinilang si Zamora sa Intramuros, Maynila noong 10 Setyembre 1875 at panganay na anak nina Paulino Zamora at Epifania Villegas. Nagmula si Zamora sa angkan na may kasaysayan ng pandarahas ng simbahang Katoliko. Pinalayas sa bansa ang ama ni Zamora na si Don Paulino Zamora dahil sa pagmamay-ari ng Bibliya. Tiyuhin naman ni Don Paulino si Padre Jacinto Zamora, isa sa tinawag na Gomburza na binitay noong 1872 dahil umano sa sedisyon. Nauna siyáng nag-aral sa ilalim ni Maestro Pedro Serrano bago siyá ipinasok sa Ateneo Municipal at nakamit ng bachiller en artes. Nag-aral naman siyá ng abogasya sa Unibersidad ng Santo Tomas nakilála siyá doon dahil sa husay niya sa pagsasalita at sa pakikipagdebate. Iniwan niya ang pag-aaral upang sumapi sa himagsikan noong 1896 at naglingkod bilang tenyente mayor sa ilalim ni Heneral Gregorio del Pilar. Taóng 1897 nang nakilála niya’t pinakasalan si Isabel de Guia ng Bulacan na nagbigay sa kaniya ng walong anak. Nang dumating sa Filipinas ang mga Amerikanong misyonero, sa tahanan nina Zamora sa Intramuros ginanap ang unang pagpupulong ng misyong Presbitero. Pumasok siyá ng seminaryo sa Shanghai at noong 1900 ay itinalaga bilang diyakono ng Episcopal Methodist Church. Nang nilapitan siyá ng Ang Katotohanan, tinanggap niya ang pamumunò at sakâ nilá itinatag ang Iglesia Evangelica Metodista en las Islas Filipinas noong 28 Pebrero 1909. Dahil sa husay niya sa pagsasalita, marami siyáng naakit na Filipino patungo sa doktrinang Metodista. Tinawag na Zamorista ang mga tagasunod ni Zamora. Namatay si Zamora sa edad na 39 noong 14 Setyembre 1914 at ipinagluksa iyon ng libo-libong Filipino at maging ng mga banyagang misyonero. (ECS) ed VSA

Gregorio Y. Zara (8 Marso 1902-15 Oktubre 1978) Si Gregorio Zara (Gre·gór·yo Zá·ra) ay isang tanyag na Filipinong imbentor, inhenyero, at dalubhasa sa pisikang nuklear. Ibinahagi niya sa mga Filipino ang mga pinakaabanteng kaalaman sa siyensiya at inhenyeriya sa pamamagitan ng kaniyang mga pananaliksik, siyentipikong sulatin, at pagsasanay sa mga nakababatàng siyentista. Subalit mas kilala si Zara dahil sa mga naimbento niyang aparato at makabagong kagamitan. Nakakuha siya ng 30 internasyonal na patent para sa mga ito. Dahil dito, iginawad sa kaniya ang Pambansang Alagad ng Agham noong Hulyo 1978. Napakarami ng mga imbensiyon ni Zara na may praktikal na aplikasyon sa modernong lipunan. Tampok rito ang kaniyang Earth Induction Compass. Ginamit niya ang prinsipyo ni E.V. Appleton hinggil electromagnetic waves upang lumikha ng kakaibang kómpas na maaaring gamitin sa himpapawid. Inimbento niya ang Vapor Chamber na magagamit sa pagaaral ng katangian ng mga radioactive particles. Nag-imbento siya ng iba’t ibang aparato na gumagamit ng enerhiya ng araw. Nilikha niya ang unang Thermo-Solar Energy Machine sa Filipinas na ginagamitan ng katutubong materyal. Matagumpay na gumawa si Zara ng robot na káyang maglakad, magsalita, at sumunod sa utos bagaman ang teknolohiya sa robotika noong panahon niya ay hindi pa gaanong popular. Inimbento niya ang Alcohol Fuel at matagumpay itong nagamit noong 1954 nang paliparin ni Major Henry Meider ang unang eroplano sa daigdig na pinatatakbo ng alkohol. Si Zara ay isinilang noong 8 Marso 1902 sa Lipa, Batangas. Nagtapos siyá ng Batsilyer sa Mekanikal na Inhenyeriya noong 1926 sa Massachusetts Institute of Technology at master sa Siyensiya sa University of Michigan. Nagtungo siya sa France upang ipagpatuloy ang pag-aaral at pagsasanay. Nakuha niya ang doktorado sa Pisika sa Sorbonne University noong 1930. Pinamunuan niya ang Aeronautics Division ng Kagawaran ng Pampublikong Paggawa at Komunikasyon. Hinirang siyang punòng inspektor ng Inspection and Air Regulation Division ng Kagawaran ng Tanggulang Pambansa. Nagsilbi rin siyá sa National Science Development Board, National Research Council of the Philippines, at UNESCO. Namatay siya noong 15 Oktubre 1978. (SMP) (ed VSA)

SK 2000 Z.pdf

Page 1 of 3. Jacinto Zamora. (4 Agosto1835-17 Pebrero1872). Si Jacinto Zamora (Ha·sín·to Za·mó·ra) ay isang Filipinong paring se- kular (paring hindi kabilang ...

448KB Sizes 43 Downloads 485 Views

Recommend Documents

SK 2000 K.pdf
There was a problem loading this page. Retrying... SK 2000 K.pdf. SK 2000 K.pdf. Open. Extract. Open with. Sign In. Main menu. Displaying SK 2000 K.pdf.

SK 2000 A.pdf
ng Filipinas sa Estados Unidos noong 1919, humawak ng iba pang mga. tungkulin sa pamahalaan gaya ng abogado ng Manila Railroad Company.

SK 2000 K.pdf
biyolin, mandolin, gitara, cello, baho, banjo, cymbals, kettle drum, ban- durya, at subing. Noong 1935 kasama sina Fernando Alfon at Vicente Castillo, itinatag ...

SK 2000 E.pdf
Whoops! There was a problem loading more pages. SK 2000 E.pdf. SK 2000 E.pdf. Open. Extract. Open with. Sign In. Details. Comments. General Info. Type.

SK 2000 H.pdf
There was a problem loading this page. SK 2000 H.pdf. SK 2000 H.pdf. Open. Extract. Open with. Sign In. Main menu. Displaying SK 2000 H.pdf. Page 1 of 53.

SK 2000 J.pdf
Ipinangalan din sa kaniya ang paliparan ng bayan (Evelio Javier Airport). (PKJ). Page 4 of 16. SK 2000 J.pdf. SK 2000 J.pdf. Open. Extract. Open with. Sign In.

SK 2000 Z.pdf
EVENT SCHEDULE - TRACK & FIELD. TUESDAY, AUGUST 1. RUNNING EVENT SCHEDULE. TIME EVENT/AGE GROUP RACE. 8:00 AM 1500M Run TF.

SK 2000 G.pdf
kapalaran sa sinumang magaba. Paalala dahil nagsisilbi itong gabay ng. tao upang huminahon at pag-isipang mabuti ang anumang gagawin, lalo. na't may ...

SK 2000 E.pdf
There was a problem previewing this document. Retrying... Download. Connect more apps... Try one of the apps below to open or edit this item. SK 2000 E.pdf.

SK 2000 Y.pdf
There was a problem previewing this document. Retrying... Download. Connect more apps... Try one of the apps below to open or edit this item. SK 2000 Y.pdf.Missing:

SK-027 ttg SK PD JATIM.pdf
Sekretaris Jendral,. Noffendri Roestam, S. Si., Apt. NA. 29111970010829. Page 2 of 2. SK-027 ttg SK PD JATIM.pdf. SK-027 ttg SK PD JATIM.pdf. Open. Extract.

SK Kepengurusan.pdf
There was a problem previewing this document. Retrying... Download. Connect more apps... Try one of the apps below to open or edit this item.Missing:

SK Radius.pdf
kepada pihak-pihak yang berperxara daram *ir"yan yrridiksi Peng.adilan Agama Gunungsitori seperti terGoui daram lampiran surat keputusan ini. Bahwa radius ...

sk-radius.pdf
Page 1 of 3. KEPUTUSAN KETUA PENGADILAN AGAMA SIBOLGA. Nomor : W2-A5/ 74 /KU.04.2/I/2015. T E N T A N G. PANJAR BIAYA PERKARA, RADIUS PEMANGGILAN DAN. PEMBERITAHUAN KEPADA PIHAK-PIHAK YANG BERPERKARA. DALAM WILAYAH YURIDIKSI PENGADILAN AGAMA SIBOLGA.

SK-PPG.pdf
Loading… Whoops! There was a problem loading more pages. Whoops! There was a problem previewing this document. Retrying... Download. Connect more apps... Try one of the apps below to open or edit this item. SK-PPG.pdf. SK-PPG.pdf. Open. Extract. Op

SK PPID.pdf
Lembaran Negara Nomor a$a+l;. 2. Undang-undang Nomor L4 Tahun 2008 tentang Keterbukaan. Informasi Publik (Lembaran Negara Tahun 2008 Nomor 61,.

sk add.pdf
работе. sharp 25an1 инструкция. apexi auto timer for na lt turbo инструкция. мануал для asus m2n x. должностная инструкция заместителя заведующей по ...

SK SPIP.pdf
H. ABRARUDDIN ANWAR. NIP. 19610305 199203 1 005. Tembusan : Yth. Ketua Pengadilan Tinggi Agama Medan. Page 3 of 4. SK SPIP.pdf. SK SPIP.pdf.

SK Monitoring.pdf
There was a problem previewing this document. Retrying... Download. Connect more apps... Try one of the apps below to open or edit this item. SK Monitoring.

SK Tentang Mediator.pdf
Page 3 of 3. SK Tentang Mediator.pdf. SK Tentang Mediator.pdf. Open. Extract. Open with. Sign In. Main menu. Displaying SK Tentang Mediator.pdf. Page 1 of 3.

SK PNJR NEW.PDF
ketentuan untuk menjamin tercapainya pelayanan prima terhadap. masyarakat pencari keadilan; 6. Bahwa dengan. dis.e.suaikannya keputusan Ketua ...

SK ISI OK.pdf
berwenang menerbitkan sertifikasi profesi geomatika'. 2. Anggaran Rumah Tangga lSt Pasal 16 tentang Badan Sertifikasi Asosiasi (BSA-lSl). Memperhatikan: 1.

SK S1 Manajemen.pdf
Page 3 of 3. SK S1 Manajemen.pdf. SK S1 Manajemen.pdf. Open. Extract. Open with. Sign In. Main menu. Displaying SK S1 Manajemen.pdf. Page 1 of 3.

RAC SK Mondal.pdf
ration. S, IAS. ns. orking as a. -1992, 1994. P)refrigerator+ 1. P)refrigerator. at pump, if. efrigerator + 1. es of 27°C. 0 Wand 10. [GATE. rature lim. heat engin. ion is equa. ter 1. n. S). a heat. 4, 2000]. 1. f same. and –. 000 W,. E-2003]. mi