Ang Pakikipagtulungan ng SFUSD at ng The Bar Association of San Francisco Upang Patuloy na Maisulong ang Pag-aaral ng Inyong Anak Nakipag-partner na ang Special Education Services Department (Departamento para sa mga Serbisyo sa Espesyal na Edukasyon) ng San Francisco Unified School District sa Bar Association of San Francisco upang mag-alok ng bagong paraan upang malutas ang mga reklamo sa distritong pampaaralan hinggil sa mga pangangailangang pangedukasyon ng inyong anak. Nag-aalok ang mga propesyonal na facilitator (tagapagpadaloy) sa pamamagitan ng Alternative Dispute Resolution Program (Programa para sa Alternatibong Pamamaraan sa Paglutas ng Hindi Pagkakaunawaan) ng Bar Association, ng may-kakayahang mediation (pamamagitan), at nang maiwasan at mabigyan ng kalutasan ang mga reklamo sa pagitan ng mga magulang at kawani ng distritong pampaaralan. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng pag-uusap nang may kooperasyon para sa paglutas ng problema, at tinatawag itong “Collaborative Conference (Kumperensiya para sa Pakikipagkonsultasyon at Pakikipagtulungan)”. Naipakita na ng prosesong ito sa iba pang distritong pampaaralan na nagagawa nitong mapababa ang antas ng tensiyon at hindi pagkakasundo sa pagitan ng mga magulang at kawani ng distrito, na kailangang epektibo na makipagtrabaho sa isa’t isa, at nang maisulong ang pagkatuto ng bata sa paaralan. Ano ang Collaborative Conference (Kumperensiya para sa Pakikipagkonsultasyon at Pakikipagtulungan)? Ang 2-oras na Collaborative Conference ay isang lugar kung saan walang abugado, upang kumpidensiyal na matalakay ang mga reklamo na kailangan ng resolusyon. Isang mahusay at may karanasang facilitator (tagapagpadaloy) na sertipikado sa mediation practice (gawain ng pamamagitan) at may kasanayan sa mga polisiya, patakaran at batas ukol sa espesyal na edukasyon, ang nagpapadaloy ng impormal

na pulong. Layunin ng kumperensiya na lumikha ng positibo at mapayapang paraan upang makahanap ng mga solusyong nakasentro sa estudyante. Hindi kailangang piliin ng mga magulang ang alternatibong ito. Boluntaryo, opsiyonal at lubos na kumpidensiyal ang Collaborative Conference. Bukod rito, mananatiling kumpidensiyal ang nilalaman ng anumang tatalakayin sa Collaborative Conference, kasama na ang anumang palitan ng impormasyon tungkol sa anumang ipagkakaloob na materyales, at hindi na uulitin pa ang mga ito sa forum sa hinaharap. Sa anumang oras na ayaw na ng pamilya na ipagpatuloy ang Collaborative Conference, puwede nilang tapusin ang kanilang partisipasyon, at puwede pa rin nilang magamit ang lahat ng iba pang opsiyon para sa paglutas ng kanilang reklamo. Sino-sino ang dumadalo sa Collaborative Conference? Ang mga magulang, may hawak sa karapatang pang-edukasyon, hindi abugadong tao na nagbibigay ng suporta, at kawani ng distritong pampaaralan na may higit na pagkaunawa sa sitwasyon ng bata ang mga dumadalo sa Collaborative Conference. Tumutulong ang may kasanayan nang facilitator sa komunikasyon at diskusyon sa Kumperensiya, at siya ang magsusulat ng anumang mararating na kasunduan. Sino-sino ang mga Facilitator (Tagapagpadaloy) sa Collaborative Conference? Ang Lupon ng mga Facilitator para sa Espesyal na Edukasyon (Special Education Facilitators, SEF Panel) ng Bar Association of San Francisco ay mga sertipikadong mediator (tagapamagitan) sa Programa para sa Pamamagitan sa Bay Area (Bay Area Mediation Program) ng Bar Association, at nakatanggap na sila ng 15 oras ng espesyalisadong pagsasanay sa batas ukol sa espesyal na edukasyon at sa kultura ng mga relasyon sa pagitan ng mga magulang at distritong pampaaralan. Bukod rito, nakatanggap na rin ang mga faciltator na nagsisilbi sa SEF Panel ng espesipikong pagsasanay sa mga uri ng reklamo na naipasok na ng mga magulang sa konteksto ng espesyal na edukasyon, at ang mga pakiramdam ng pagkabigo, tensiyon, at kultura na maaaring nagbubunsod ng hirap at pagrereklamo. Paano Ako Puwedeng Humiling ng Collaborative Conference? Kung gusto ninyong humiling ng Collaborative Conference, tutulungan kayo ng Administrador ng Programang (Program Administrator) ADR upang makapagtakda ng petsa at oras para sa kumperensiya. Kapag nakausap na ninyo ang Administrador ng Programa tungkol sa inyong hindi pagkakaunawaan o reklamo, sasabihin niya sa inyo ang mga susunod na hakbang. Bibigyan kayo ng liham ng imbitasyon para sa Collaborative Conference, at paglalabas ng impormasyon, kasama na rin ang consent form (form para sa pagbibigay ng pahintulot) at scheduling form (form para sa pagtatakda ng mga pagkikita). Mangyaring pakikumpleto ang lahat ng hinihiling na impormasyon, pirmahan ang mga form, at isauli ang mga ito sa Administrador sa

lalong madaling panahon para agad na maitakda ang Collaborative Conference. Aabisuhan agad ng Administrador ang Bar Association of San Francisco ukol sa hiling para sa pag-iiskedyul, at magtatakda sila ng miyembro ng SEF Panel para maging tagapagpadaloy ng Collaborative Conference sa pagitan ninyo at ng distritong pampaaralan sa lalong madaling panahon. Aabisuhan kayo ng Administrador ng Programang ADR at ang kalahok na kawani ng paaralan sa pamamagitan ng telepono at email ukol sa nakatakdang petsa at oras ng inyong kumperensiya. Kung mayroon kayong anumang tanong, puwede ninyong kontakin ang Administrador ng Programang ADR, na si Ricki Jo Scott, sa 415-420-9198 o sa [email protected]. Pag-iiskedyul ng mga Collaborative Conference, Lugar at Transportasyon Isasagawa ang mga Collaborative Conference sa: • • •

Support for Families of Children with Disabilities sa 1663 Mission Street, O SA The Bar Association of San Francisco sa 301 Battery Street, O SA Leola M. Havard Early Education School sa 1520 Oakdale Avenue.

Sa pangkalahatan, itinatakda ang mga kumperensiya tuwing Martes at Huwebes, sa dalawang posibleng oras: 10:00am-12:00pm at 1:00pm at 3:00pm. Puwede ring magtakda ng mga sesyon sa gabi, sa pagitan ng 4:00-8:00pm, kapag hiniling. Mahigipit na hinihikayat ang paggamit ng pampublikong transportasyon, kung saan may sapat na panahon na makarating sa napiling lugar. Puwede ring magkaroon ng mga tagasalin, at gagawin ang lahat upang magkaroon ng mga serbisyo sa pangangalaga ng bata, kung kinakailangan.

Ano ang mangyayari matapos ang Collaborative Conference? Kapag nakumpleto na ang Collaborative Conference ihahanda ng facilitator ang pinal na nakasulat na kasunduan at isusumite ito sa Administrador ng Programang ADR. Kapwa makatatanggap kayo ng lalahok na kawani ng paaralan ng satisfaction sarbey (sarbey para malaman kung nasiyahan kayo) upang makapagbigay kayo ng opinyon at ebalwasyon ng kumperensiya. Lubos kayong hinihikayat na isumite ang sarbey na ito upang maging malay ang distritong pampaaralan sa inyong naging karanasan. Kinukumpleto ang mga sarbey sa pagtatapos ng Collaborative Conference at kinokolekta ito ng Administrador ng Programang ADR. Pakitala na lubos na opsiyonal ang pagkumpleto sa sarbey. Salamat po sa inyong tulong.

Brochure-Tagalog.pdf

Pakitala na lubos na opsiyonal ang pagkumpleto sa sarbey. Salamat po sa inyong tulong. Page 3 of 3. Brochure-Tagalog.pdf. Brochure-Tagalog.pdf. Open.

68KB Sizes 5 Downloads 270 Views

Recommend Documents

No documents